Thursday, March 31, 2011

What I want to do for Christmas 2011?

I have shared with my friend (Ms. Borras) what I want to do this Christmas vacation 2011. I just told her that I want to fed those kids whom I encountered during my Christmas vacation in my aunt's house (near irrigation site) in Pangasinan. This is the story: everytime I went to my aunt's house and give my present to my cousins, a lot of kids just coming and looking at me. Maybe some of them are expecting something also from me. The truth is I don't have any for them, all I have is for my inaanak and for the kids of my cousins.

Right now, I just remembered and I just wanted to do something for them. Gusto ko mag-organize ng Christmas party....want to prepare food....games... gifts... and  I just want them to realize na Christmas is truly for them...Well, sounds funny kz nine months more before Christmas, haha.. sabi nga the earlier the better...Im so excited to do it...excited to see them smiling and say how thank they are na naexperience nila ang ganun.... na someone is really concern  and wants them to be happy...

THINGS I NEED TO DO TO MAKE THIS POSSIBLE:

1. Pray for it and give me a clean heart for my motive.
2. Buy a coin bank (i need to save money for the gifts).
3. I need sponsors (food, gifts, equipments, manpower)
4. I will talk to the officials of the barangay.. (give them the good heart Lord).

The attitude behind it really matters. There is a huge difference between buying stuff that you feel (or are) obligated to, and intentionally (and cheerfully) giving something to another person.

Proverbs 21:26…the righteous gives and does not hold back.

Sunday, March 13, 2011

Planet Shakers Concert


Planet Shakers!!!

It was a happy experienced when we watched the concert of Planet Shakers last March 12, 2011 at the Ultra with Kuya Jun Calunsag, Sats Satuna, Louie Distor, and Kimberly Roldan.  It's my first time to watch a Christian band concert that is why this is so memorable for me. Pagpunta pa lang sa concert dami na nakakatawa.. Pagalis ko ng bahay, hmmmedyo nakalayo na ako narealize ko na I was not able to bring the tickets kaya I need to go back talaga na naging reason para ako ang antayin sa meeting place.  Pagdating ko naman masaya silang kumakain...at pagdating ko super ngarag ako..walang kaayos-ayos at bigla ba naman sabi ni  Jun "bat ang ganda nyo po ngayon?" knowing nmn na ngarag ako siyempre nd ako naniwala...sinundan pa ni Keembie ayun napilitan din si Sats....hahhah..muntik na ako maniwala.. On our way, pinatawa ako ng todo ni Keembie nong sabhing niyang "Ang saya naman po dito may fireworks" pagkatingin ko may tatlong ilaw lang, yun pala isang airplane lang..hahahha at hindi pa siya nakuntento.. nagtanong pa "ma'am may LRT pala dito bakit hindi na lang po tayo nag-LRT?" pagtingin ko isang tulay lang pala... hahha ewan ko ba sa batang 'to...Nakasama namin ang mga kachurchmate nina Jun at Louie..



That night God me felt that I am really His daughter. He made me realized a lot of things. He made me see how blessed I am... Ang sayang mag-worship sa gabing eto, bawat kanta ay may pahiwatig at gustong ituro. Binuksan ni Lord talaga ang puso ko that time. Ang sarap tumalon at sumigaw ng malakas..ng malakas na malakas...ng sobrang lakas... Nkakatawa lang kasi may nararamdaman na ako masakit sa paa ko kasi malamang sa kakatalon kaya dedma ako... Pagdating ko sa bahay napakalaking pasa ang nakita ko..hahah napataas ata talon ko talaga kaya un tumatama sa upuan..hahha...Walang humpay na kulitan at walang kasawaan na pagkuha ng pictures...SAYA! SAYA! SOBRANG SAYA!

Thank you for that night!

Thursday, March 10, 2011

SIGAW

Ang galing talaga ni Lord... Ang galing Niya mag-plan.. Pinalungkot.... Pinatawa... Binigyan ako ng sakit ng ulo...pinabigat Niya ang loob ko... Sinubukan din Niyang ubusin ang pasensiya ko... Pinabayaan din Niyang magalit ako sa ibang tao... meron pa kaya akong dapat maramdaman?.. Pero sa lahat ng eto ang dami Mong pinaintindi.. ang dami Mong tinuro..lalo Mo akong pinatibay... pinakita Mo sa akin ang mga bagay-bagay sa positibong paraan... at higit sa lahat lalo Mo akong nilapit Sayo... Siguro nga ay pamamaraan Mo yan para mas lalong kaming mapalapit Sayo...  Tunay nga naman na Ikaw at Ikaw lang ang matatakbuhan namin sa mga pagkakataong bagsak na kami. Bagama't binigyan Mo kami ng  Gift  of love from our family and freinds , tunay pa rin na walang papantay sa love na binibigay Mo sa amin...

SURVIVOR KAMI! yan ang madalas naming isigaw ng mga kaibigan kong si Bhel and JB everytime na nagpaparamdam sa amin ang mga problema.. One of the convincing words na pinaghuhugutan namin ng lakas..haha.. This time, ramdam ko na naman si problema, pero sa tingin ko sisiw na lang eto sa akin.. Bagamat, mas pinipili kong maging masaya  talaga naman hindi pumapayag si problema na talikuran na lng siya at baliwalain basta-basta kaya naman super habol pa rin siya.. Tama nga naman, gawan mo siya ng solusyon para hindi ka na niya habulin... hahaha... Minsan hindi rin siya pumapayag ang problema na mag-isa  lang siya talaga namang nagsama pa ng kapawa niya problema... Pinipilit talaga tayong pabagsakin ata wasakin... "Belat kang problema ka, akala mo naman kaya mo ako"..hahaha (baliw)..Dami-dami naman pwede isipin, pwede pagusapan, pwede isula dito sa blog ko pero si problema pa ang topic ko... siguro nga kz papansin siya ngayong week sa akin... "dagok" ba.... hahaha pabigat....

Tamang labas at bawas lang naman ako ngayon ng bigat...haha.medyo effective naman eh...