Tuesday, April 10, 2012

Oooooooyyyyy.........Aaaaaaaaaayyyyyy

Nakakatawa ang araw na eto! Galing naman talaga ng timing ng favorate kung station ang Rx 93.1  Monster Radio (the morning rush). Topic ang oooyyy at aaaayyyy..ung tipong na-encourage ka tapos bigla na-discourage or masaya ka tapos biglang lungkot or pwede rin inlove ka tapos biglang heart broken...Ang mga kwento ng mga listeners talaga nakakatawa ang gagaling mag-share.

Buti na lng talag may Panginoon ako at panay ang salo sa akin at walang sawa sa kakaintindi sa akin. Buti na rin binigyan niya ako ng gift of friends na palagi nagreremind at sinasamahan ako sa pagbibigay ng mga conclusion sa mga nangyayari.  Pagkatapos ng mga araw na naging masaya sa bakasyon eto na naman kailnagn harapin na ang realidad.

Sabi ng isang kaibigan habang akoy nagkwekwento nagiging matured na daw ako magisip sa mga bagay-bagay. Pero in reality kinakailangang ko na naman maging wonder woman at pipiliing maging positive ang lahat. Kaninag umaga sa aking devotion tumatak sa akin ang : NO ROOM FOR DOUBT AND FEAR; 100 % FAITH eto ang pinanghahawakan ko sa araw eto upang makaahun sa kumonoy na nararamdaman ko ngayon. I need to wait and trust my Lord for I know His doing anything for what I felt today. ^_^

Holy Week Vacation 2012 (Tiaong Quezon)

Ang sayang magbakasyon sa Tiaong, Quezon! Simula April 4-9, 2012 nag-stay ako at si Janiz sa bahay nina Derick. Isang kakaibang vacation. Kasama din namin sina Edison, Bhel and  Sir Francis. Madaming lugar na napuntahan, madaming mukha ang bago at nakilala pero bawat isa sa kanila hindi ka makakaramdam ng iba, they all give us a warmed welcome. Dito ako unang nakatikim ng lamabanog. haha panget din pala ang lasa sa una.

Dito ko rin unang nakita ang aking kaibigan na si "Boss". Isang kakaibang usapan din at kulitan ang nangyari. Dito ko rin naging kaibigan ang bunsong kapatid ni Derick na si Ghee. Tinawag ko din na "Tita Ninang" ang mama ni Derick.  Dito ko nakita ang pamilya na sobrang close. Sinama din nila ako sa kanilang reunion, at nafeel ko na hindi ako naout of place kz all the way sinasamahn nila ako at sobra pang kinukulit ng mga pinsan ni Derick.

Hindi ko makakalimutan ang Tiaong, Quezon, dito ako naging masaya ng ilang araw at naging malaya sa mga gusto kung gawin.

Babalik ako sa fiesta niyo sa October! See u again Quezon!